Compound ng Vice Governor sa Maguindanao pinasabugan!

Compound ng Vice Governor sa Maguindanao pinasabugan!
COTABATO CITY-Binulabog ng malakas na pagsabog ang labas ng compound ni Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat sa Dalican , Datu Odin Sinsuat mag aalas nwebe kagabi.
Bagaman nagdulot ng takot , wala namang may naitalang sugatan ayon pa kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police CIns Achmad Alibonga .
Inaalam pa kung sino ang responsable sa pagpapasabog at nagpapatuloy rin kung anong uri ng pasabog ang sumabog.
Ito na ang ikalawang insidente ng explosion sa Dalican ngayong linggo, unang naitala noong gabi ng hwebes na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang menor de edad.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments