5 MILF Figthers patay matapos masabugan ng Landmine sa Maguindanao

5 MILF Figthers patay matapos masabugan ng Landmine sa Maguindanao
COTABATO CITY-Patay ang limang elemento ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front matapos masabugan ng landmine pasado alas syete kaninang umaga.
Sa initial na report, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng nagpapatuloy na pakikipagbakbakan ng MILF kontra sa mga elemento ni ni Esmael Abdulamalik o mas kilala sa tawag na Abu Torayfe ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa bahagi ng Bgry Andavit Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Sinasabing nagmula sa hanay ni MILF Kumander Arsap ang mga nasawing MILF Figthers .
May mga sangkap na mga pinutol na bakal at mga pako ang landmine na sumabog sa impormasyong nakuha ng RMN COTABATO
Matatandaang nagsimula ang operasyon ng MILF kontra kay Abu Torayfe noong hapon ng myekules na nagresulta sa pagkakasugat ng 2 MILF Combatants at pagkakapaslang ng 4 na mga taga sunod ng BIFF.
Sinasabing si Abu Torayfe ay isa sa mga taga suporta ng ISIS sa Maguindanao.(DENNIS ARCON)
6th ID CMO Photo

Facebook Comments