Comprehensive Driver’s Education sa lahat ng driver na magre-renew ng lisensiya, ibibigay nang libre ayon sa isang transport group

Nilinaw ng transport group na Pasang Masda na libre ang Comprehensive Driver’s Education (CDE) sa lahat ng driver na magre-renew ng kanilang lisensiya.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin na layon ng CDE na mabigyan ng refresher course ang mga driver hinggil sa mga batas trapiko.

Bukod sa CDE certification, maaari din aniyang mag-apply ng driver’s license ng hanggang sampung taon ang bisa ang mga walang traffic violation.


Ang mga may record naman ng paglabag sa batas trapiko ay maaari lamang mag-aplay ng driver’s license na hanggang limang taon ang bisa.

Kasabay nito, hinimok ni Martin ang mga driver na nais kumuha ng libreng CDE course na magparehistro sa Land Transportation Management System (LTMS) na makikita sa Land Transportation Office (LTO) portal.

Facebook Comments