Bumuo ng Comprehensive Rehabilitation Plan ang Department of Agriculture (DA) para farming at fishing activities sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Siniguro ni Agriculture Secretary William Dar – na mabibigyan ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda upang makabangon muli pagkatapos ng kalamidad.
Inatasan na rin ni Dar si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Eduardo Gongona na magsagawa ng water supply test para sa sulfur at iba pang toxic materials sa mga apektadong lugar.
Maliban dito, pinagagawan din ang BFAR ng reports para sa pre- at post- eruption operations kabilang ang production, fish cage operations, bilang ng fishers o operators, processing/trading/marketing at posibleng livelihood assistance.
Naghahanap na rin ang DA ng mga posibleng mapagkukunan ng tilapia at tawilis para suplayan ang Metro Manila at iba pang lugar.
Ang Bureau of Soils and Water Management ay nagsasagawa ng chemical analysis sa abo at lupa.
Patuloy ang assessment ng high value crop development program at Bureau of Plant Industry sa pinsala sa kape, pinya, jackfruit, saging, at iba pa.
Maging ang Philippine Coconut Authority ay nagsasagawa rin ng assessment sa pinsala sa mga puno ng niyog.
Inatasan din ng DA ang Bureau of Animal Industry (BAI) na alamin ang pinsala sa poultry at livestock at listahan ng mga farm owner na makakatanggap ng tulong.