DOT, inabisuhan ang mga tourism hub na malapit sa Bulkang Taal na ihinto muna ang operasyon

55

Inabisuhan na ng Department of Tourism (DOT) ang mga tourism hubs sa Calabarzon na ihinto ang operasyon nito dahil sa panganib na dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.


Sa advisory ng DOT, pinapayuhan ang lahat ng tourism enterprises na nag-o-operate sa mga apektadong lugar ng Bulkang Taal na itigil ang operasyon.

Iginiit ng DOT na dapat unahin ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa at turista.

Aminado ang DOT na matinding naapektuhan ang turismo sa Cavite at Batangas dahil sa naturang kalamidad.

Facebook Comments