COMPUTER LITERACY SA PAMAMAGITAN NG TECH4ED CENTERS NG DICT, ISINUSULONG SA DAGUPAN CITY

Patuloy na isinusulong sa lungsod ng Dagupan ang computer literacy ng mga residente rito na sinisimulan sa mga bara-barangay sa lungsod sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga Tech4Ed Centers ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Ito ay upang palawakin pa ang digital literacy ng mga tao na makatutulong sa kanila sa aspeto ng edukasyon at trabaho, higit na mga mabebenipisyuhan nitong komunidad tulad ng Out-of-School Youths at PWDs, gayundin ang mga nasa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).
Alinsunod dito, pormal nang binuksan pinabagong Tech4Ed Center sa barangay Pantal na bukas na para sa mga residenteng sasailalim dito.

Kailan lamang ay naipamahagi din ng DICT ang ilang mga Tech4Ed Equipment tulad ng desktop computers, printers, wifi cloud cameras (cctv), router at iba pang kagamitan sa lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Maaari nang matututunan ng mga residente ang mga basic works sa computer na available sa Tech4Ed Center sa lungsod.
Samantala, nais pang mapalawig ang nasabing community ICT hub ng DICT sa lungsod sa pamamagitan ng planong pagtatayo nito sa mga barangays sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments