COMPUTER SETS AT CASH ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA MGA CVO’s SA BINALONAN

Computer sets at cash assistance, yan ang natanggap ng mga CVO’s ng bayan ng Binalonan mula sa Office of the President.
Ang naturang computer sets at cash assistance ay ipinamahagi sa pamamagitan naman ng tanggapan ng Gobernador ng lalawigan at ng lokal na pamahalaan ng Binalonan.
Ang pamamahaging ito para sa mga CVO’s ng naturang bayan ay nagpaabot sa pangunguna ng kanilang alkalde at bise alkalde pati na rin ng Sangguniang Bayan ng Binalonan.

Bukod pa riyan ay namigay rin ng long sleeves na maaaring magamit ng CVO’s sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain. |ifmnews
Facebook Comments