HIGIT 10K NA MGA RUNNERS SA MALAWAKANG KAMPANYA LABAN DROGA SA LUNGSOD NG DAGUPAN, INAASAHAN; PAGHAHANDA KAUGNAY DITO, HANDA NA

Nasa higit sampung libo ang inaasahang lalahok sa malawakang kampanya laban sa droga na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) FUN Run na magaganap dito mismo sa Dagupan City, sa kahabaan ng De Venecia Road Extension sa darating na April 30 ngayong taon.
Kaugnay nito ang isinagawang ocular inspection sa De Venecia Road Extension upang matiyak ang maayos na kalagayan ng bahaging ito at matukoy kung ano ang mga kinakailangang tugunan pa bilang paghahanda sa nasabing aktibidad.
Magmumula naman ang mga runners sa iba’t-ibang sektor sa buong Rehiyon Uno. Nakaantabay din ang mga kawani tulad ng PNP Region 1, PDEA, BFP, BJMP, Region 1 at ang DILG Regional Office 1.

Samantala, bahagi pa rin ito ng kampanya ng lungsod Dagupan City na may layong sugpuin ang mga kaso ng ipinagbabawal na droga sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments