ComWesCom, hindi hahayaang maulit muli ang Dos Palmas incident matapos ang banta ng terorismo sa lugar

Palawan, Philippines – Matapos na nagbigay ng pagpupugay sa ating mga bayani dahil sa kalayaan ng Pilipinas.

Binigyan diin ni ComWesCom lieutenant General Raul Del Rosario sa kanyang talumpati kaugnay sa selebrasyon ng Independence Day kahapon na hindi nila hahayaang maulit muli ang nangyaring insidente sa Dos Palmas noong 2001 kung saan ay pumasok ang presenya ng Abu Sayyaff at nandakip ng mga turista.

Tinuran din nito na magtulong-tulong ang mamayan na bantayan ang lungsod at lalawigan at wag ipag walang bahala ang banta ng terorismo.


Ang kalayaang umano ay karapatan at ang karapatan ay para sa lahat.

Isang hamon umano bilang isang Pilipino ang nangyayaring kaguluhan sa Mindanao kung saan ay kapwa Pilipino ang naglalaban-laban.

Hiniling din nito na ipagdasal ang mga pagsubok na kinakaharap ng bansa upang maipanumbalik ang katahimikan at kapayapaan.
DZXL558, Archie T. Barone

Facebook Comments