Concerned citizen nananawagan ng tulong para sa kakilalang na-stroke at tatlong malilit na anak

3348
Courtesy Facebook/Klein Kane Kaye

Humihingi ng tulong ang isang concerned citizen para sa nakakaawang kalagayan ng pamilya mula sa Rolling Hills, Brgy. F. De Castro, GMA Cavite.

Ikinuwento ni Facebook user Klein Kane Kyle ang sitwasyon ni Melanie Delovino, 28 taon gulang, na na-stroke nitong taon. Edad 10, 4, at limang buwan sanggol ang kanyang mga anak.


Dahil sa nangyari kay Melanie, ang mga kamag-anak ang tumutulong sa pag-aalaga ng mga bata. Tiyahin niya ang tumitingin tuwing umaga at sa gabi naman ang kanyang lolo pagkagaling sa trabaho.

Subalit hindi sapat ang kinikita ni lolo para matustusan ang pangangailangan sa araw-araw. Mapapansin din na gawa sa tagpi-tagping materyales ang tinitirahan nila.

Kumakatok si Klein sa mga mabubuting puso na tulungan mapa-check up si Melanie dahil namamanas na ito pati na rin ang limang taong buwan na sanggol. Dagdag pa niya, maiiyak ang sinuman makasasaksi ng kalunos-lunos na pinagdaraanan ng pamilya.

Basahin ang kabuuan post ni Klein:

 

Facebook Comments

From Advertisers