Concert ni Justine Bieber sa Pilipinas – kinansela

Manila, Philippines – Malungkot na balita para sa mga Pinoy “Beliebers” kinansela ng Canadian pop singer na si Justin Bieber ang concert nito sa Pilipinas.

Dahil daw ito sa hindi nila tinukoy na “unforeseen circumstances” kaya nagpasya ang singer na hindi na ituloy ang natitira pang show nito sa North America at iba pang bansa sa Asya.

Tiniyak naman ng Music Management International, ang promoter ng concert ni Justin sa Pilipinas na mare-refund ang bayad para sa mga nakabili na ng tickets.


Humingi naman ng pang-unawa ang singer at nagpasalamat sa suporta ng kanyang mga fans.

Facebook Comments