Concert ni Nadine Lustre, tuloy sa kabila ng kautusan ng korte

All systems go na ang upcoming online concert ng singer-actress na si Nadine Lustre na pinamagatang “Absolute Madness”.

Ito ay sa kabila ng inilabas na resolusyon ng Quezon City Regional Trial Court sa kasong isinampa ng Viva laban kay Nadine kaugnay ng pagkalas ng aktres sa management ng ahensiya.

Sa 15 pages resolution, inutusan ng korte si Lustre at ang Viva na “status quo” o panatilihin ang talent-management setup sa pagitan nila at pinagbabawalan ang aktres na pumasok sa kahit anong kontrata o magbigay ng serbisyo nang walang pahintulot ng Viva.


Pero giit ng kampo ni Nadine, ang cease and desist order ay hindi pa pinal ay may 15-days pa sila para umapela sa desisyon.

Nabatid na gaganapin ang concert ng aktres sa July 3 sa ilalim ng Careless Music.

Facebook Comments