Concert venues, iminungkahi ng Senador na gamitin sa COVID mass testing

Iginiit ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman and CEO Senator Richard Gordon ang kahalagahan na maging organized at systematic ang mass testing para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Gordon, malaking tulong para makamit ito kung ang mga malalaking concert venues ay gagamitin bilang swabbing sites para sa mass testing.

Kabilang sa tinukoy ni Gordon ang Mall of Asia sa Pasay City at Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City at iba pang malalaking lugar kung saan siguradong maipapatupad ang physical distancing.


Kasabay nito ay inirekomenda din ni Gordon na ipa-COVID test ang lahat ng mga health workes tuwing ika-14 na araw.

Sabi ni Gordon, maaring tumulong dito ang red cross na ngayon ay may tatlong laboratory na sa Metro Manila at kayang magsagawa ng 12,000 COVID test kada araw.

Facebook Comments