Itinutulak ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang pagrereview sa concession agreement ng MWSS sa Manila Water at Maynilad.
Iginiit ni Brosas ang pagbabalik sa gobyerno ng kontrol sa serbisyo sa tubig sa Metro Manila.
Aniya, wala nang ginawa ang mga pribadong kumpanya kundi taasan ang singil sa tubig at ngayon ay ipapasa pa sa mga customers ang multa ng dalawang kumpanya sa paglabag sa Clean Water Act dahil sa kawalan ng sewerage treatment facility.
Sinabi pa ng lady solon na gusto pang i-blackmail ng Manila Water ang Supreme Court sa 780% na dagdag singil nito sa mga customers na magreresulta sa dagdag na ₱26.70 sa kada cubic meter sa mga water bills.
Nauna nang naghain ng House Resolution 19 ang MAKABAYAN sa Kamara para silipin ang concession agreement ng MWSS sa dalawang water concessionaires.
Nangako rin ang mambabatas sa pagharang sa nagbabadyang water rate increase na aniya’y hindi naman kasalanan ng publiko.