Mga Natagpuang Baboy na Palutang-lutang sa Ilog, Negatibo sa ASF!

Cauayan City, Isabela- Tatlong biik na palutang-lutang sa ilog Cagayan ang natagpuan ng mga residente sa bahagi ng Alicaocao Bridge na sakop ng Brgy. Carabbatan Chica, Cauayan City, Isabela.

Sa ginawang pagsusuri ng City Veterinary Office, lumalabas na negatibo sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang mga natagpuang patay na baboy kaya wala dapat ipangamba ang publiko sa magiging epekto nito.

Magugunita na nitong mga nakalipas na araw ay isang inahing baboy naman ang natagpuang palutang-lutang sa nasabi rin na ilog.


Hinihikayat naman ng nasabing tanggapan ang publiko na kung sakali mang makakita ng mga ganitong insidente ay ipagbigay alam sa mga otoridad upang mabigyan agad na aksyon.

Facebook Comments