Concession agreements ng Maynilad at Manila Water, panahon na para repasuhin

Para kay Senator Koko Pimentel, panahon na para masusing repasuhin ang pinasok na concession agreements ng pamahalaan sa dalawang water concessionaire na maynilad at manila water.

Ayon kay Pimentel, ito ay para makita kung nasusunod ba o nalalabag ang mga probisyon sa kasunduan.

Ang pahayag ni Pimentel ay sa harap ng ikalawang beses ngayong taon na pag-papatupad ng water interruptions ng maynilad at ng manila water.


Si Senator Pimentel ay isa sa mga nag-susulong ng panukalang batas para sa pagtatayo ng department of water na tututok pangangasiwa sa yamang tubig ng bansa at magbibigay-katiyakan sa sapat na supply ng tubig.

Facebook Comments