Ilan pang Kapatid ni Busania na Kasapi Umano ng NPA, Hinihikayat na Sumuko!

Cauayan City, Isabela- Nananawagan ngayon ang Quirino Police Provincial Office (QPPO) sa ilan pang kapatid at kasamahan ng nahuling lider ng Northern Front ng NPA na si Reynaldo Busania na sumuko na sa gobyerno.

Napag-alaman ng mga otoridad na mayroon pang apat na kapatid si Busania na sumapi di umano sa rebeldeng pangkat maging ang kanilang ama na namatay sa isang engkwentro.

Ayon kay P/Col Renato Malongga, Provincial Director ng QPPO, posibleng nabiktima lamang noon sa maling paniniwala at ideolohiya ng NPA noon si Busania maging ang mga kapatid nito kaya’t pumasok sa kilusang grupo.


Aniya, handang tumulong si Gov.Dax Cua sa anumang tulong na kailangan ni Busania para makipagtulungan sa pamahalaan at magbalik loob kasama ang kanyang mga kapatid na di umanoy sumapi rin sa kilusan.

Kaugnay nito, nakaalerto ang buong tropa ng QPPO dahil pansamantalang nasa kustodiya nila ang dalawang pinaniniwalaang lider at opisyal ng NPA.

Samantala, kinumpirma ng pulisya na ang kanilang mga naarestong NPA ay ang responsable sa panghaharas at pagsalakay sa PNP Maddela na ikinasawi isang pulis.

Facebook Comments