Maghahain bukas si Senate Minority Leader Frankin Drilon ng concurrent resolution para payagan ang ABS-CBN corporation na makapag-operate hanggang sa katapusan ng 18th Congress sa 2022.
Ang nasabing concurrent resolution ay iba sa joint resolution na inihain din ni Drilon para sa pagpapalawig ng prangkisa ng network hanggang Disyembre 31, 2022.
Ayon kay Drilon, layon nito ang pagnawagan sa National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng temporary license to operate ang ABS-CBN habang nakabinbin ang diskusyon sa kongreso sa kanilang franchise renewal.
Giit ni Drilon, sa concurrent resolution ay hindi na kailangan ng approval ng Pangulong Duterte pero wala itong bisa bilang batas.
Magsisilbi namang co-author ng nasabing resolusyon si Senator Grace Poe.