Confidential at intel fund ng Office of the President, maaaring gamitin bilang COVID-19 response fund

Nilinaw ng Palasyo na maaaring gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang confidential at intel funds ng Office of the President (OP) sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, confidential fund lamang ang tawag dito pero maaari itong gastusin ng Pangulo lalo sa mga pambihirang pagkakataon tulad ng krisis.

Katunayan ayon kay Roque, ngayong taon ay marami nang nagastos ang OP para sa COVID-19 na kinuha sa nasabing pondo.


Ang kagandahan ayon kay Roque, ang pondong ito ay maaring gastusin ni Pangulong Duterte pero ito ay subject pa rin sa audit.

Matatandaang nasa ₱4.5 billion ang request ng OP para sa confidential at intel fund nito para sa 2021.

Facebook Comments