Confidential funds ng Office of the President, pinatatanggal ng isang kongresista para ilipat sa social services

Buo ang suporta ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas sa hakbang ng House of Representatives na tanggalan ng confidential funds ang Office of the Vice President, Department of Education, Department of Information and Communications Technology, Department of Agriculture, at Department of Foreign Affairs.

Pero giit ni Brosas, dapat kasama ring alisin ang confidential and intelligence o CIF funds ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagkakahalaga ng mahigit P4.56 billion.

Ayon kay Brosas, ang nabanggit na pondo ay mas dapat ilaan sa basic social services sa gitna ng mataas na presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin habang nananatiling maliit ang sweldo ng mga mangagagawa.


Paliwanag ni Brosas, sa halip na gamitin ang pera ng taumbayan bilang CIF ng pangulo ay mas mainam na gugulin sa sektor ng edukasyon, kalusugan, pabahay at mga programang magbibigay ng kabuhayan sa mamamayan.

Facebook Comments