Ang hindi paglalahad sa presyo ng COVID-19 vaccines na bibilhin ng Pilipinas para sa mass vaccination campaign ay bahagi ng marketing strategy ng mga pharmaceutical firms.
Ito ang iginiit ng Department of Health (DOH) sa harap ng mga puna hinggil sa hindi pagsasapubliko ng presyo ng mga bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibibigay ng mga manufacturers ang lahat ng detalye hinggil sa kanilang bakuna kapag lumagda ang pamahalaan sa Confidentiality Disclosure Agreement.
Ayaw ng mga vaccine manufacturers na ilabas ang detalye ng kanilang mga produktor dahil ‘under development’ pa ang mga ito.
Bukod dito, sinabi rin ni Vergeire na mayroong kompetisyon mula sa iba pang vaccine manufacturers.
Samanatala, nilinaw ng DOH na ang mga presyo ng mga bakunang makikita sa website ng mga pharmaceutical companies ay ‘ballpark figures’ lamang.