Manila, Philippines – Kasabay ng nakatakda niyang pagsalang bukas sa makapangyarihang Commission on Appointments, kumpiyansa si DAR acting Secretary John Castriciones na hindi siya matutulad sa naging kapalaran ng mga miyembro ng Gabinete ni President Rodrigo Duterte na ni-reject ng CA.
Ayon kay Castriciones, naniniwala siya sa diwa ng kalooban ng Diyos.
Kung sakali aniya na makalusot siya ay maipagpapatuloy niya ang mga programa na napasimulan niya para sa kapakinabangan ng mga magsasaka.
Kabilang sa mga grupo na sumasalungat sa kumpirmasyon ni Castriciones ay ang Militanteng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na kinabibilangan ni dating DAR Secretary Rafael Mariano.
Ayon sa KMP, hindi karapat dapat si Castriciones sa posisyon dahil wala itong background sa tunay na isyung pang-agraryo.
Si Castriciones ay naging Bise Presidente ng Duterte volunteers group noong panahon kampanya noong 2016 elections.
Siya ay nagtapos sa Philippine Military Academy at isa ring abogado.