Confirmation ng appointments ni DENR Sec. Gina Lopez – ipinagpaliban; Education Sec. Leonor Biones – nakasalang naman ngayon sa makapangyarihang Commission on Appointments

40

Manila, Philippines – Itinakda na lang ng Commission on Appointments sa susunod na Buwan, May 3, ang botohan kung iko-confirm ba nila o ire-reject ang appointment ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

 

Kasunod na rin ng desisyon ng C-A Committee on Environment and Natural Resources na pinamumunuan ni Senator Manny Pacquiao na i-bypass na lang muna ang appointment ni Lopez.

 

Ito’y dahil iginiit ng mga miyembro ng CA na dapat mabigyan ng pagkakataon si Lopez na sumagot sa mga pagtutol sa kaniyang appointment.

 

Sa ngayon ay nasa bakasyon pa sa Amerika si Lopez, kaya no-show siya kahapon sa hearing.

 

Samantala, nakasalang naman ngayon ang kompirmasyon ni Education Secretary Leonor Briones.

Facebook Comments