Mga umokupa ng pabahay sa Bulacan, binigyan na ng ultimatum; notice of eviction – nakatakdang ilabas

47

Manila, Philippines – Sapilitan nang paaalisin ng National Housing Authority (NHA) ang ilang miyembro ng Kadamay na iligal na umukupa sa ilang pabahay sa Pandi, Bulacan.

 

Ayon sa NHA – maglalabas sila sa Lunes ng eviction notice at kung hindi pa rin sila magkukusang umalis sa loob ng isang Linggo ay pwersahan na silang paaalisin.

 

Giit ng ahensya – nakalaan na ang mga nasabing pabahay sa mga pulis, sundalo at informal settlers mula sa mga danger zone.

 

Handa naman aniya ang nha na magbigay ng sariling pabahay sa mga kwalipikadong miyembro ng grupong Kadamay, basta dadaan lang ito sa tamang proseso.

Facebook Comments