CONFIRMED | Justice Sec. Guevarra, kinumpirma ang malaking shortage sa prosecutors sa buong bansa

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang mahigit isang libong shortage sa prosecutors sa buong bansa.

Ayon kay Guevarra, ang kakulangan sa mga piskal ay mula pa noong mga nakalipas na administrasyon.

Ipinaliwanag ni Guevarra na ang malaking vacancies sa prosecutors ay bunga ng pagretiro ng mga piskal, habang ang ilan ay nagresign at naghanap ng ibang trabaho, ilan naman aniya ay pinatay sa pagtupad ng tungkulin.


Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra na masusi ang gagawin nilang screening sa pagkuha ng mga bagong prosecutors.

Facebook Comments