SALARIN! | Suspek sa serye ng pamamaslang sa Bulacan at Nueva Ecija, iniharap ng NBI sa publiko

Manila, Philippines – Iniharap sa publiko ng National Bureau of Investgation o NBI Ang pangunahing suspek sa ilang insidente pagpatay sa Nueva Ecija at Bulacan.

Si Ricardo Linsangan Peralta ay naaresto ng NBI sa isang resort sa Mariveles, Bataan.

Si Peralta ang itinuturong lider ng gun-for-hire group na nag-o-operate sa Central at Northern Luzon, at may patong sa ulo na sampung milyong piso.


Ayon sa NBI, si Peralta rin ay dating National Commander ng Alex Boncayao Brigade, na breakaway group ng CPP-NPA.

Ayon sa NBI may 41 murder cases na na kinaharap si Peralta pero naibasura lahat ito ng korte.

Sinasabing dalawa sa mga napatay ni Peralta ay mga kapatid ni Nueva Ecija Mayor Emmanuel Pascual.

Facebook Comments