CONFIRMED | Marian Rivera at DIngdong Dantes, magkakaroon na ng second child

Masusundan na si baby Zia!

Kinumpirma mismo ng aktres na si Marian Rivera na buntis siya sa second child nila ni Dingdong Dantes.

Masayang ibinahagi ng mag-asawa ang good news sa kanilang Instagram accounts kalakip ang larawan ng sonogram.


Sa caption, sinabi ni Marian na nag-uumapaw sa saya at pasasalamat ang kanyang puso dahil sa niregaluhan sila ng panibagong “miracle of life”.

Hindi rin maitago ni Dingdong ang saya niya dahil natupad na aniya ang matagal nang dasal nilang mag-asawa lalong lalo na ni Zia.

Facebook Comments