Cong. Arnolfo Teves Jr., pinapaalis na sa Timor-Leste

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ), ang pagbasura ng Interior Ministry ng Timor-Leste sa kahilingan ni suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. na political asylum sa nasabing bansa.

Base sa impormasyon na nakuha ng DOJ sa Dept of Foreign Affairs (DFA), binigyan ng Timor-Leste ng limang araw si Teves para umalis sa naturang bansa.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla, wala naman kasing dahilan para bigyan ng political asylum si Teves.


Ang political asylum ay binibigay lamang sa isang pulitiko kapag siya ay political harassment sa kanyang sariling bansa.

Facebook Comments