Cong. Fariñas, nilinaw na pwedeng kasuhan ang mga kongresista na lalabag sa batas trapiko

Manila, Philippines – May ilang paglilinaw si House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas sa hiling na immunity sa paglabag sa batas trapiko.

Ito ay matapos na umani ng batikos sa publiko ang naging request ng mambabatas.

Paliwanag ni Fariñas, hindi nangangahulugan ang immunity na lusot sa kaso ang mga kongresista.


Maaari pa ring makasuhan ang mga mambabatas kung may nilabag sa batas trapiko iyon lamang ay huwag munang arestuhin ang mga ito habang ang Kongreso ay may sesyon.

Sa hiling ni Fariñas, nais nitong huwag nang arestuhin ang mga kongresista na makakalabag sa batas trapiko para hindi mahuli sa sesyon ang mga mambabatas.

Facebook Comments