Cong. Lucy Torres-Gomez, hindi na tatakbong senador

63

Nagbago ng plano si 4th District – Leyte Representative Lucy Torres-Gomez hinggil sa pagsabak nito sa 2022 national elections.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang imbitasyon ng iba’t ibang partido politikal na maging bahagi ng kanilang senatorial candidate, minabuti ni Cong. Lucy na tumakbong mayor ng Ormoc City at paglingkuran ang kaniyang mga kababayan doon.


Una nang inendorso ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban si Cong. Lucy na mapasama sa kanilang senatorial line-up.

Napaulat din na kasama siya sa senatorial line-up ng tambalan nila Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto.

Habang nililigawan din siyang kumandidatong senador sa ilalim ng tambalan nina Manila Mayor Isko Moreno at Doc. Willie Ong.

Facebook Comments