Mahigit 700,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating sa bansa kagabi

61

Dumating na sa bansa kagabi ang karagdagang 728,910 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Sa nasabing bilang ng mga bakuna na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, 677,430 ang ide-deliver sa Metro Manila at 51,480 doses sa Cebu.


92,430 doses naman ng bakuna ang nakatakdang ipadala sa Davao City ngayong araw.

Sa ngayon, paliwanag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na umabot na sa 11 milyong bakuna ng Pfizer ang nasa bansa.

Para ito sa kabuuang 66.9 milyong mga bakuna na dumating sa Pilipinas.

Tiniyak naman ni American President Joe Biden ang darating na donasyong Pfizer COVID-19 vaccines sa Pilipinas na aabot sa 500 million.



Facebook Comments