Cong. Martin Romualdez, nagulat sa pag-endorso sa kanya ni Pangulong Duterte bilang vice president sa 2022

Ikinagulat ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang sorpresang pag-endorso sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kandidato sa pagkabise presidente sa 2022 elections.

Ayon kay Romualdez, isang karangalan na kinakitaan siya mismo ng Pangulo ng kakayanan na mamuno bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.

Sinabi rin nito na bukas siya sa pagtakbo sa 2022 national elections bagama’t wala pang desisyon kung anong posisyon.


Ikokonsidera naman ni Romualdez ang suporta ng Presidente sa anumang magiging pasya pagsapit ng Oktubre.

Unang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya tatakbong vice president at sa halip ay susuportahan si Romualdez sakaling sumabak ito sa vice presidency.

Pero giit ng majority leader ng Kamara, sa ngayon ay marami pa silang kailangang gawin sa Kamara kaya tututukan niya muna ang mahahalagang panukalang batas na kailangang ipasa ng kapulungan.

Facebook Comments