Naniniwala si Anakalusugan Partylist Cong. Mike Defensor na hindi dapat gawing priority agenda ng mga kakandidato na presidente ang pagbabalik sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa panayam ng media sa Quezon City sinabi ng kongresista na maraming problema na dapat harapin ang susunod na pangulo ng bansa na dapat gawing prayoridad ng sinumang mahahalal.
Ipinaliwanag ni Defensor na private company ang ABS-CBN at dapat dumaan ito sa tamang proseso.
Kung sakaling mag-apply muli ang TV network ng bagong prangkisa ay dapat umanong dumaan ito sa proseso at bayaran ang lahat ng kanilang obligasyon sa batas.
Pinaalalahanan ng mambabatas ang susunod na Kongreso na dapat ay base sa constitutional duty ang magiging desisyon kung bibigyan ng bagong franchise ang nasabing TV station.