Mahigit 14,000 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19, naitala ngayong araw

35

14,090 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

17,411 naman ang bagong kaso habang 177 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umakyat na sa 2,434,753 ang kabuuang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

165,790 sa mga ito ang aktibong kaso habang ang kabuuang recoveries ay 2,231,558.

Ang kabuuang binawian ng buhay ay pumalo na sa 37,405.

Facebook Comments