Cong. Pichay, pinasususpinde ng Sandiganbayan

Sinuspinde ng Sandiganbayan 4th Division si House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay sa kinakaharap nitong kasong katiwalian kaugnay ng kanyang dating posisyon sa Local Water Utilities Administration (LWUA).

 

90 araw ang suspensyon na ipinataw sa mambabatas.

 

Ang liderato ng Kamara de Representantes ang inatasan na magpatupad ng suspensyon.


 

Hinarang naman ni Pichay ang hiling ng prosekusyon na siya ay suspendihin dahil ang kasalukuyan umano niyang posisyon na kongresista ay hindi makaka-impluwensya sa LWUA kung saan siya dating chairman.

 

Sinabi din ng mambabatas na sa ilalim ng doktrina ng separation of powers ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na magsuspendi ng miyembro nito.

 

Ang kaso ay kaugnay ng pagbili umano ng LWUA sa luging thrift bank na pagmamay-ari ng pamilya ni Sen. Sherwin Gatchalian na nauna ng napawalang-sala ng korte.

Facebook Comments