Cong. Romualdez at Velasco, dalawa na lamang sa pinagpipilian ng Partylist Coalition sa pagka-speaker

231

Dalawa na lamang sa mga kongresista ang umano’y pinagpipilian ng Partylist Coalition sa pagka-speaker sa 18th Congress.

 

Ayon kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, ang kanilang pinagpipilian para sa Speakership race ay bumaba na sa dalawa at ito ay sina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.


 

Napagdesisyunan na ng mga kongresista mula sa Partylist bloc na bawasan na ang kanilang pinagpipilian para sa pagkaspeaker dahil naniniwala sila na sina Romualdez at Velasco ay seryoso sa nasabing posisyon.

 

Bukod dito, lumabas din sa mga sentimyento ng mga kongresista mula sa Partylists na sina Romualdez at Velasco ang may matitibay na koneksyon sa Partylist groups.

 

Naniniwala sila na sinuman sa dalawa ang maluklok na Speaker ay magiging patas ang pagtrato sa mga Partylists Congressmen at makikinig sa mga pangangailangan ng kanilang mga constituents.

 

Aminado ang mambabatas na mahirap na laban ito kina Romualdez at Velasco pero sa bandang huli ay pipili lamang ng isa ang mga Partylists Representatives.

Facebook Comments
From Advertisers