Pangulong Duterte nakapili na ng uupong bagong presidente ng Philhealth

1252

Kinumpirma ni Senator Elect Bong Go napili na ni Pangulong Rodrigo Duterte na na mamuno sa Philhealth ay si Dr. Jaime Cruz.

 

Si Dr. Cruz president at chief executive officer ng JTC Corporation na nagmamay-ari ng ibat ibang food chain stores sa Metro Manila at Davao City.


 

Ayon kay Go, sa ngayon ay hindi pa tinatanggap ni Cruz posisyon pero alam na nito ang alok ng Pangulo.

 

Matatandaan na ang gusto ni Pangulong Duterte ay isang Doktor na mayroong managerial skills na kayang pamunuan ang Philhealth.

 

Una nang pinagbitiw ng pangulo ang mga matataas na opisyal ng Philhealth dahil narin sa issue ng Ghost Dialysis claims.

Facebook Comments

From Advertisers