Napangiti at nagtawanan ang mga dumalo sa launching ng PBBM-GABAY ng Bayan Program sa Laoag City, Ilocos Norte nang mabanggit ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos sa speech ang linyang “to my wife.”

Agad naman itong nilinaw ng kongresista at sinabing binasa niya lamang ang talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hindi nakadalo ang pangulo sa nasabing aktibidad matapos magkasakit kaya si Rep. Sandro Marcos ang nagbasa ng kaniyang talumpati.

Pinangunahan ng kongresista ang panunumpa ng 789 na public school teachers sa Ilocos Norte na na-promote sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) system ng Department of Education (DepEd).

Facebook Comments