Cong. Teves, nanindigang hindi uuwi ng Pilipinas kahit hindi aprubahan ang hirit na dalawang buwang ‘absence of leave’ sa Kamara

Nanindigan si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves na hindi siya uuwi ng bansa kahit pa hindi aprubahan ang hirit niyang dalawang buwang ‘absence of leave’ sa Kamara.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, may “very reliable information” kasi na natanggap ni Teves hinggil sa posibleng kahinatnan niya pagbalik ng Pilipinas.

Nagpasalamat naman ang kampo ni Teves sa assurance na ibinigay ni House Speaker Martin Romualdez para sa kanyang seguridad.


Pero hihintayin muna raw ng kongresista na humupa ang mga banta sa kanyang kaligtasan bago umuwi sa bansa.

Ngayong araw, magpapaliwanag sa House Committee on Ethics ang kampo ni Teves hinggil sa hindi nito pag-uwi sa bansa sa kabila ng napaso niyang travel authority noon pang Marso 9.

Itinakda naman sa Marso 22 ang pagdinig sa mga kasong kinakaharap ni Teves kaugnay ng nasamsam na mga baril, bala at pampasabog sa mga bahay niya sa Negros Oriental.

Facebook Comments