Cong. Teves, pinauuwi na ng bansa ng isang senador

Nanawagan na rin ang ilang mga senador kay 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., na umuwi na ito ng bansa at harapin ang mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Si Teves ang itinurong utak umano sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., kailangan nang bumalik ni Teves sa Pilipinas at harapin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya.


Aniya pa, bilang halal na opisyal, ang pag-uwi sa bansa at pagharap sa mga akusasyon ay ang pinakanararapat at pinakatama na maaari nitong gawin.

Pagkakataon din aniya ito para linisin ni Teves ang kanyang pangalan kung talagang wala itong kinalaman sa pagpaslang sa gobernador.

 

Punto pa ni Revilla, ang pag-alis o pag-iwas ay indikasyon na maaaring guilty ang isang tao pero kung wala talagang kinalaman si Teves sa pagpatay ay hindi gugustuhin ng kongresista ganito ang isipin sa kanya ng lahat.

Facebook Comments