Katok Bahay, Sorpresa Trabaho ng DZXL Radyo Trabaho, muling iikot sa Caloocan City

Sa ikaapat na pagkakataon ay muling magtutungo ang DZXL Radyo Trabaho sa lungsod ng Caloocan.

Ito’y para sa nagpapatuloy na Katok Bahay, Sorpresa Trabaho promo kung saan nasa tatlong barangay ang pupuntahan.

Partikular ang mga barangay ng 171, 175 at 176 sa North Caloocan.


Isa-isahin ng Radyo Trabaho team ang bawat bahay upang matulungan at magabayan ang mga residente na walang trabaho.

Dito ay personal natin kukunin ang kanilang mga resume at ihahanap sila ng swak na trabaho.

Bukod dito, kukumustahin at aalamin din ng Radyo Trabaho team ang mga nagawang proyekto o mga plano pang gawin ng mga opisyal ng barangay para malaman din ito ng kanilang mga residente.



Makakatanggap naman ng exclusive Radyo Trabaho calendar at mug ang ilang mga maswerteng residente sa mga nasabing barangay.

Sa mga barangay ng 171, 175 at 176 sa North Caloocan, abangan ang ating Radyo Trabaho team at ihanda na rin ng mga naghahanap ng trabaho ang kanilang updated resume upang matulungan na magkatrabaho.

Sa iba naman na naghahanap ng trabaho maaaring magtungo sa DZXL Radyo Trabaho sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City o kaya ay magpadala ng resume sa dzxlradyotrabaho@gmail.com o tumawag sa 8882-2370 para sa ibang impormasyon at katanungan.

Facebook Comments