Manila, Philippines – Bukas sina Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Leyte Representative Martin Romualdez sa binuong Duterte coalition na layuning magkaroon ng Unified House of Representatives.
Si Velasco na nominado ng PDP-Laban, hinimok ang mga kasamahang mambabatas na sumali sa kowalisyon at isantabi ang mga personal na ambisyon at agenda.
Sabi naman ni Romualdez, nakikisa siya sa panawagan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Hugpong sa Tawong Lungsod na magkaisa ang mga mambabatas para maisulong ang reform agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni PDP-Laban President, Senator Koko Pimentel na bukas sila sa anumang hakbang para pag-isahin ang mga miyembro ng Kamara.
Pero sinabi ni Pimentel na patuloy nilang susuportahan si Velasco sa speakership race.
Samantala, itinanggi ng Malacañang na nangingialam ang miyembro ng mga gabinete sa isyu ng house speakership.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – hindi makikisawsaw ang Pangulo maging ang mga gabinete nito sa pagpili ng susunod na house speaker.
Bahala na rin ang mga mambabatas na magpasya sa usapin ng term sharing sa Kongreso.