LTFRB, makikipagdayalogo sa TNVS Community sa susunod na linggo

Nagtakda ng dayalogo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga driver at operator ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Martes, July 9.

Ito ay upang maresolba ang mga problema at isyu sa pagitan ng LTFRB at TNVS Community.

Kabilang sa mga aayusin ay ang concern sa pagpoproseso ng accreditations, maging ang regulations at requirements na itinakda ng gobyerno.


Umapela si LTFRB Chairperson Martin Delgra III sa TNVS Community na ikonsidera ang planong magkasa ng transport holiday sa Lunes para na rin sa kapakanan ng riding public.

Facebook Comments