Pinangunahan ni Pangasinan Governor Amado I. Espino ang Broadcasters’, Induction, and Awarding Night na dinaluhan ng mga mamamahayag sa buong lalawigang Pangasinan noong Disyembre 21, 2017 bilang Inducting Officer & Keynote Speaker.
Ipinaabot ng gobernador ang kanyang mainit at malugod na pagbati sa organisasyon sa natamo nitong award bilang best chapter sa buong bansa. Hiningi rin ng gobernador ang tulong ng mga media sa buong lalawigan sa pangunguna ng KBP Pangasinan Chapter Officers sa pagpapaabot ng mga kinakailangang impormasyon ng mga pangasinense sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng patas at responsableng pamamahayag.
Siniguro naman ng pamunuan ng organisasyon na makikipagtulungan ito sa pamahalaang panlalawigan sa adbokasiya at proyekto para sa mga nasasakupan. Ngunit siniguro din ng KBP Pangasinan Chapter na balanse, responsable, at patas ang pagpaparating ng mga impormasyon sa sambayanan.
Muli ding nanumpa ng KBP Credo ang mga mamamahayag ng lalawigan na pinangunahan ng Chapter Chairman Espinosa.
Narito ang mga Re-elected Officers 2018 ng KBP Pangasinan Chapter:
- Chairman: Mark Espinosa, RMN & IFM
- V-Chairman: Emmanuel Sibayan, Love Radio
- Secretary: Jay Mendoza, DZRD
- Treasurer: Gina Almazan, Abs-Cbn & MOR
- Auditor: Josie Sarmiento, Bombo Radyo
- Standards Performance Officer: Bernie Errasquin, Radyo Pilipinas
Congratulations & God speed!