Congratulatory Resolution, Inihahanda Na Ng Kamara Para Kay Pacquiao

11

MANILA – Hahandugan ng congratulatory resolution ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Kamara bunsod ng pagkapanalo nito sa laban kay Timothy Bradley.Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte, mismong siya ay proud sa pagkapanalo ni Pacquiao dahil sa marami na itong naiuuwing karangalan sa bansa.Maghahanda umano sila ng resolusyon na kumikilala kay Pacquiao pagdating sa husay nito sa boxing lalo na’t ito na ang huli nitong laban.Samantala, imposible na ang pagbibigay ng congressional party para kay Manny tulad ng nakagawian dahil mahirap na sa mga panahon na ito na padaluhin ang mga kongresista na abalang abala na sa halalan.

Facebook Comments