Pamahalaan, Nakikiramay Sa Mga Pamilyang Naiwan Ng 18 Sundalong Nasawi, Tulong Ng Gobyerno, Tiniyak

21

MANILA – Nagpaabot ng pakikiramay ang administrasyong Aquino kaugnay sa 18 sundalong nasawi sa Basilan nitong Sabado matapos makipagbakbakan sa mga hinihinalang grupo ng Abu Sayyaf.Ayon kay Daang Matuwid Coalition Spokesperson Barry Gutierrez, tinitiyak ang paghanap ng hustisya para sa mga sundalong namatay at katarungan sa mga naiwang pamilya.Bukod dito ay ang pagbibigay tulong din na maibibigay sa mga pamilya ng mga sundalo mula sa gobyerno.Ipinagmamalaki din umano ng pamahalaan ang tapang ng mga sundalong nagbuwis ng buhay para sa bayan.Nagpasalamat din ang pamahalaan sa paglilingkod ng mga sundalo kung saan hindi umano makakalimutan ang kabayanihan ng mga ito.

Facebook Comments