Nakatakdang mag-courtesy call ngayong hapon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ilang mga mambabatas mula sa Estados Unidos.
Inaasahang makahaharap ng pangulo sa Malacañang ang anim na US Senators at isang taga House of Representatives.
Kabilang dito sina Senator Kirsten Gillibrand, Senator Jeanne Shaheen, Senator Roger Marshall at Senator Mark Kelly.
Kasama rin sa Congress delegation sina Senator Cynthia Lummis, Senator Michael Bennet at Representative Adriano Espaillat.
Matatandaang noong 2022 nang unang bumisita sa pangulo ang ilang mambabatas ng US sa pangunguna ni Senator Edward Markey, kung saan tinalakay ang pagpapatuloy ng partnership ng Pilipinas at Amerika sa larangan ng renewable energy use, agricultural development, economic reform at maging ang problema sa droga.