4 na bus drivers sa PITX, tumakas sa drug test

Kinumpirma ng pamunuan ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na tumakas sa random drug tests ang apat na driver sa PITX.

Ayon kay ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Spokesperson Jason Salvador, bigla na lang nawala ang mga tsuper matapos itong ipalista sa drug test ng Land Transportation Office (LTO).

Aniya, sinubukan nilang tawagan ang mga driver pero wala na ang mga ito sa pila.


Nagbabala naman ang pamunuan ng PITX na kapag hindi bumalik ang apat na tsuper ay maaaring masuspinde ang driver’s license ng mga ito.

Facebook Comments