Congressman Carlo Nograles at Governor Imee Marcos, Dumalo sa Barangay Night ng Cauayan City!

31

Cauayan City, Isabela- Nakiisa sina Congressman Carlo Nograles ng 1st District ng Davao at Ilocos Norte Governor Imee Marcos ngayong gabi kaugnay sa patuloy na selebrasyon ng Gawagaway-yan Festival ng Cauayan City.

Batay sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kay City Mayor Bernard Dy sa programang Staright To The Point kaninang umaga, April 13, 2018, aniya, may mga bigating artista ang darating para sa Barangay night ng naturang lungsod.

Aniya, malalaking personalidad ang mag pumupunta sa lungsod dahil kakaiba umano ang festival ng Cauayan City sa buong bansa.

Samantala, patuloy naman sa ginagawang Research and Development para makatuklas ng iba pang produkto kung saan na ito ang labong wine na isa sa patok ngayon.

Ipinaliwanag pa ni Mayor Dy, na patuloy na magiging Smart at Ideal City ang Cauayan sa buong bansa dahil lahat umano ng proyekto at programa nito ay para sa lahat ng sector na layuning maging una sa buong bansa.

Facebook Comments