Congressman mula sa unang distrito ng Capiz, hindi sang-ayon sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at SK eleksyon

Manila, Philippines – Hindi sang-ayon si Capiz 1st District Congressman Emannuel Billones Sr. sa panukalang  pagpapaliban ng Barangay at SK elections sa Oktubre 23, 2017.

 

Sa panayam ng DYVR RMN Roxas, sinabi ng kongresista na kung ipagpaliban ang eleksyon at magtatalaga na lamang ng mga opisyal sa barangay, nangangahulugang nawawala na rin ang demokrasya sa Pilipinas.

 

Sinabi din nito na mawawala rin ang boses at karapatan ng nakararami sa pagpili ng kanilang opisyal na gustong iluklok sa puwesto.

 

Ayon pa kay Billones, isang illegal na hakbang at hindi naaayon sa constitution ang pagtatalaga ng mga barangay officials.

 

Dahil dito maglilibot siya sa kanyang distrito upang pakinggan ang boses ng kanyang mga constituents tungkol sa nasabing usapin at dadalhin ito sa Kongreso.

 

Si Cong. Billones ay kasapi ng Magnificent 7 na kasama sa minority block sa House of Representatives.


Facebook Comments